top of page
Maghanap
  • JOHN AMIEL FLORES

Mga Natutunan Ko sa mga Mangingisda ng Baler, Aurora

Updated: Ago 1, 2023

21 Hulyo, 2023

Binubuo ng maraming isla ang Pilipinas. Nakatira ang karamihan ng tao sa mga kapatagan sa tabing-dagat. Dahil maraming komunidad ang nasa tabing-dagat, ang mga mamamayan ay umaasa sa dagat para sa kanilang ikabubuhay. Bagaman mayroong mga komunidad na nakararanas ng pabago-bago ng klima, polusyon, at urbanisasyon, mayroon ding mga interes ang lokal na gobyerno at sa mga mamamayan para protektahan at pangalagaan ang mga ecosystem ng dagat. Nang nagpunta ako sa Baler, Aurora dahil sa programa ng UCLA-CLSU Foreign Language and Area Studies Fellowship, mayroon akong oportunidad na matutunan ang kultura at gawi ng mga mangingisda. Sa aking pakikipagkuwentuhan kasama ang mga bata at matandang mangingisda, natutunan ko kung gaano kahalaga ang industriya ng pangingisda.


Ang lalawigan ng Aurora ay nakahuhuli ng 100 metrikong toneladang isda sa bawat taon at ang tawag sa Aurora ay “Tuna Capital” ng hilagang Pilipinas. Ang mga mangingisda ng munisipyo ay gumagamit ng mga gillnet and handlines para huliin ang mga pelagic na isda. Hinuhuli nila ang mga pelagic na isda, halimbawa ay Albacore Tuna (Thunnus alalunga), Yellowfin Tuna (Thunnus albacares), Pacific Blue Marlin (Makaira mazara) gamit ng bangkang pinagagana ng motor. Ang komersiyal na pangingisda ay gumagamit din ng gillnet ngunit gumagamit sila ng malaking bangka para marami ang mahuli kaysa sa maliliit na bangka. Subalit, dahil ang gillnet ay walang diskriminasyon sa klase ng isda, mayroon ding mga ibang hayop na hindi sinisadyang mahuli. At saka, ang mga mangiisda gumagamit rin ng sibat para sa spearfishing kapag nandoon sa reef ngunit nabawasan ang populasyon ng mga isda sa reef, halimbawa mga parrotfishes (Scaridae) dahil sa overfishing.


Karagdagan sa lokal at komersyal na pangingisda, mayroong mga kulungan ng Bangus (Chanos chanos) sa dagat at palaisdaan para sa Nile Tilapia (Oreochromis niloticus). Bukod dito, maaaring makipagtulungan ang mga lokal na gobyerno sa mga katutubo na mapanatili ang paggamit ng tradisyunal na gawi ng pangingisda.


Nagaganap ang lokal na pangingisda hanggang 15km mula sa baybay habang ang pangkomersyal na pangingisda naman ay higit pa sa 15km. Bagamam may malinaw na pagkakaiba sa distansya mula sa baybayin para sa mga ibang klase ng pangingisda, maaaring magkaroon ng alitan ang mga munisipalidad. Dahil sa hindi gaanong malinaw na mga hangganan sa dagat ng bawat munisipyo, ang mga mangingisda ay maaaring hindi sinasadyang lumabag sa mga ordinansa ng munisipyo sa pangingisda. Ang dahilan ay may iba't ibang mga batas at regulasyon para sa pangingisda ang bawat munisipalidad. Sa Aurora, mayroong sampung marine protected areas, bawal mangisda at magsagawa ng mga aktibidad ng tao upang mapanatili at pangalagaan ang lokal na ecosystem ng dagat. Ang mga marine protected areas ay hindi lamang prumuprotekta ng mga lokal na ecosystem, kundi nagsisilbi rin itong taga-suplay ng mga isda para sa mga karatig na.


Kahit may mga ordinansa ang munisipyo at mga batas para sa dagat, mayroon pa ring iligal na pangingisda at masamang mga pamamaraan sa pangingisda. Isang malaking problema para sa mga mangingisda ay ang maling gawain ng sobrang pangingisda. Ang sobrang pangingisda ay paghaharvest ng sobrang-sobra sa populasyon ng isda hanggang ang populasyon ay hindi na makakapagparami sa sapat na bilis upang suportahan ang populasyon ng isda. Ang prosesong ito ay nagdudulot ng pagbaba ng bilang ng mga isda at maaari pa nga nitong mapawi ang isang espesye ng isda sa isang lugar. Dahil sa sobrang pangingisda, mas mababa at mas kaunting ang nahuhuli ng mga mangingisda. Ang mga malalaking isda ay unang hinahanap, kaya't mas maraming maliliit na isda na lamang ang natitira. Ito ay nagreresulta sa mas kaunting isda para sa pagkain at pagbebenta sa pamilihan.


Bagamat ang industriya ng pangisdaan ay isang mahalagang sektor sa ekonomiya at kabuhayan ng mga tao sa Baler at sa iba pang mga munisipalidad, ang mga mangingisda pa rin na ay pinakamahirap na sektor sa hanapbuhay. Ang pangingisda ay maaaring maging huling pag-asa ng kita para sa mga tao sa komunidad dahil madali at mas aksesebel ang kailangan lang ay isang permiso upang mangingisda. Isang hamon sa mga mangingisda ang kulang na suporta sa pag-recover mula sa mga kalamidad na kaugnay ng klima. Bagamat bininbigay ang mga lokal gobyerno para sa pangisdaan, ang ito ay kadalasang ipinamamahagi lamang sa ilang napipiling tao, at karamihan sa mga mangingisda sa komunidad ay hindi nabibigyan ng na tulong. Ang pagiging pagpilian ng mga benepisyaryo ay nagiging dahilan ng pagkasira ng relasyon ng mga mangingisda at ng gobyerno. hanggang sa punto na may ilang mamamayan na tumatanggi sa subsidiyaryong tulong dahil sa walang pagtitiwala.


Ang mga kuwentohan ko sa mga mangingisda sa Baler, Aurora ay nagbigay ng liwanag sa mga isyung kinakaharap ng mangingisda sa buong bansa. Nakita ko ang mga pagkakatulad sa mga hamon na kinakaharap ng mga mangingisda mula sa Baler, Aurora at sa aking bayan sa Samal, Bataan. Bilang isang marine conservation scientist, buong puso kong naniniwala sa kahalagahan ng pakikinig sa mga tao na umaasa tayong matutulungan ng ating siyensiya at pag-alok ng tulong sa mga problemang pinaka-konsern sa mga komunidad.




22 view0 komento

Comments

Couldn’t Load Comments
It looks like there was a technical problem. Try reconnecting or refreshing the page.
bottom of page